Sunday, August 13, 2017
Sulong Pilipinas February 10 2011
Sulong Pilipinas February 10 2011
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Yan ang mga Katagang binitiwan nang Ating Presidenteng si Benigno Noynoy Aquino
Marami sa mga kababayan natin ang umaasa sa mga kababayan natin na Matutupad at Mapapanindigan ni Presidente Noynoy ang kanyang mga Pangako. Sa Simula nang kanyang termino sinabi nya na Maraming Problema ang iniwan nang nakaraang Administrasyon, Mga utang at sari sari pang problema ang Susulusyunan nang ating bagong pangulo.
Ngayon ay nahaharap ang ating Presidente sa kung anu anong Anumalya, Mula sa mga tiwaling kaalyado nang pangulo at Scandal sa mga General nang pilipinas hanggang sa Pagtaas nang Pamasahe. Tama nga bang
| Jeepney |
Husgahan na agad nang mga pilipino ang sinasabi nilang palpak na pamamahala ni noynoy kung itoy hindi pa man nagtatagal. Sa aking Tingin ay dapat pa nating bigyan nang panahon ang ating presidente at umayon sa kanyang mga gustong ipatupad.
Sa tanong na Sulong Pilipinas anu nga ba ang problema kung bakit hindi umaasenso ang pilipinas. Ito ba ay dahil sa Maling Pamamahala?. Sa Aking punto, Maaaring dahil nga ito sa maling pamamahala, Pero may mas malaking Hadlang pa sa pagunlad nang Pilipinas, Ito ay dahil sa mga Taong Suwail at hindi sumusunod sa mga gustong ipatupad nang ating pangulo. Sa isyu nang pagtaas nang Pamasahe nang Piso ay marami ang Tumututol sa pagpapatupad nito. Sa tingin ko ang mga taong Ito ang pinakamalaking hadlang sa pagusad nang pilipinas. Sa Pagpapatupad nang mga programa at ideya na sana ay maaaring magpaunlad sa pilipinas, ang mga taong ito ang pumipigil sa ating Pagunlad.
Tulad nang Pagtaas nang pamasage sa pampasaherong sasakyan, Ang pagpapatupad at pagpapataas nang pamasahe ay hindi mapupunta sa Gobyerno, Kaya nagtaas nang pamasahe ay Dahil sa taas nang krudo sa World Market. Marami ang tumututol sa pagtaas na ito. Ngunit hindi nila naiisip na Ang pagtataas ay para sa mga Drayber na halos buong araw na Namamasada ngunit hindi parin sapat ang kanilang kinikita dahil sa mga nangongotong at taas nang krudo.
Sa ating bansa na isang Democratic Country, Pinakikinggan nang gobyerno ang opinyon nang bawat isa, Ngunit dapat sana ay malaman rin natin na iniluklok natin ang ating pangulo upang magpatupad nang mga batas at programang makakatulong sa pilipinas. Ang pagunlad nang isang bansa ay nakasasalay parin kung makikiisa ang lahat.
Sa sinabi ni Noynoy na "Kayo ang Aking Boss" , ang ibig sabihin nito ay ang taong bayan ang magdidikta kung gusto nating umunlad ang ating bansa. Sa isang bansang katulad nang pilipinas, Hindi lamang ang Presidente ang dapat kumilos, Tayo rin dapat ay makiisa upang umasenso ang ating Bansa. Pagkakaisa ang magiging susi sa Pagunlad nang Pilipinas.
By Ronald Estacion
download file now